Ang mga kumpanyang nagsara ay binubuo ng mga negosyong tinanggalan ng lisensya, pati na rin ang mga nag-terminate ng kanilang sariling operasyon, at kasama dito ang 26,000 kumpanya na nasa ilalim ng sektor ng pagi-export, ayon sa Tianyancha, isang commercial database na nangangalaga sa mga public records.
Karamihan sa mga kumpanyang ito ay nasa tradisyunal na sentro ng kapangyarihang pang-ekonomiya, tulad ng lalawigan ng Guandong sa katimugang bahagi ng China, at higit sa kalahati ng mga ito ay nasa distribution at retail.
Ang mga pagsasara ng negosyo ay isang panibagong hamon na kinakaharap ng China habang sinusubukan nitong buhayin muli ang kanilang ekonomiya, na namimiligro na baka magdulot ng isang tinatawag na “contraction” sa unang pagkakataon mula noong 1976.
Sa Dongguan, ang isa sanang umuusbong na industrial hub sa Pearl River Delta ay nakahilera ang mga shops na walang laman at mga saradong pabrika at ito ay nagiging kapansin-pansin sa nasabing lugar habang ang mga kumpanya ay nahihirapan sa mahinang international demand.
Noong Marso, ang Dongguan Fantastic Toy Company, isang local export-oriented manufacturer ng mga tote bags at laruan ay nagsara matapos humina ang overseas orders nito, na nagresulta naman sa hindi pagbabayad ng sahud sa kanilang mga manggagawa, sinabi ng LLA noong nakaraang buwan. Inutusan naman ng gobyerno ang may-ari ng pabrika na bayaran ang huling sahod ng mga empleyado.
0 Comments